dzme1530.ph

Gobyerno, pinaghahanda sa posibleng Power Shortage

Pinaghahanda ni Senator Cynthia Villar ang pamahalaan sa posibleng epekto ng Power Shortage sa kabila ng tinatamasa ngayon na pagsigla ng ekonomiya.

Ayon kay Villar, isa sa mga tinitingnan na posibleng maging problema ay ang kawalan ng sapat na suplay ng enerhiya kaya posibleng tumaas ang singil sa kuryente na magreresulta sa pagtaas ng Inflation rate.

Sinabi ni Villar na hindi pa naman ito tiyak pero isa ito sa kinatatakutan sakaling magka-shortage sa kuryente pero kung makokontrol naman ang nasabing problema ay wala itong magiging epekto.

Sa ngayon ay wala naman aniyang major problem ang bansa dahil gumaganda na ang balita tungkol sa pandemya at wala nang masyadong nagkakasakit.

Maging noong taong 2022 ay umangat sa 7.6 percent ang Gross Domestic Product (GDP) growth rate na pinakamataas na pag-angat sa ekonomiya sa nakalipas na mahigit 40 taon.

Kagayunman, inaasahang sa mga susunod na taon ay unti-unti nang mauubos ang MALAMPAYA na posibleng makaapekto sa power shortage subalit sinabi naman ni Villar na dumarami na ang nagtatayo ng Solar Farms at nakakahanap na rin ng iba pang energy source na maaaring pamalit dito.

About The Author