Nagpositibo sa red tide toxin ang 9 na lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kabilang dito ang mga baybayin ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; Sapian Bay; coastal waters ng Panay, Pilar, President Roxas, at Roxas City, Capiz; baybayin ng Gigantes Islands sa Carles, Iloilo; Dauis at Tagbilaran City, Bohol; at Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur.
Dahil dito, pina-alalahanan ng BFAR ang mga residente na hindi ligtas kainin ang anumang uri ng shellfish at acetes o alamang na mula sa mga nabanggit na lugar.
Habang ligtas naman kainin ang isda, pusit, alimango basta’t ito ay huhugasan at lulutuing mabuti. —sa panulat ni Airiam Sancho