dzme1530.ph

Pagsasaayos Pag-asa Island, suportado ni DND sec. Teodoro

Suportado ng Department of National Defense Sec. Gibo Teodoro ang pinapanukala ng isang mambabatas para mapondohan ang dalawa sa mahahalagang imprastraktura sa Pag-asa Island.

Sa panukala ni Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan na dapat ay tapatan din ng Pilipinas ang pagpapalakas sa ating isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teodoro, comprehensive strategy ang kailangan para maipakita sa ibang bansa na determinado ang Pilipinas sa nasasakupan nitong Teritoryo.

Ayon kay Teodoro, nararapat lang na pondohan ang Pag-asa Island kung saan kailagan masaayos ang pantalan at ang pagpapaganda pa ng runway sa isla.

Dagdag ni Teodoro, may limitadong panahon lamang maaaring makabiyahe at makalapag ang eroplano sa Pag-asa dahil sa limitasyon sa runway nito.

Oras na maisaayos aniya ito ay mas madali na rin aniya na maisaayos ang mga serbisyo doon gaya ng paaralan at ospital. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author