dzme1530.ph

Pag-inom ng alak moderately, may magandang benepisyo sa kalusugan?

Masama sa kalusugan ang labis na pag-inom ng alak.

Ngunit alam niyo ba na may magandang benepisyo ang pagiging moderate drinker?

Sa pag-aaral na inilathala sa Journal of Biological Chemistry, natuklasan sa red wine at green tea ang compound na epigallocatechin gallate (EGCG) na tumutulong upang  hindi masira ang brain cell.

Nahaharang din nito ang protina na sumisira sa plaques sa utak.

Maliban dito, nakatutulong ang wine at champagne sa pag-develop at pagpapaganda ng komunikasyon sa nerve cells.

Subalit, nagpa-alala ang mga eksperto na limitahan pa rin ang sarili sa pag-inom ng alak dahil ito ay may masama ring epekto sa kalusugan. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author