dzme1530.ph

Halos 2 million metric tons ng asukal, inaasahang ma-aani ngayong 2023-2024

Inaasahan ng Sugar Regulatory Administration na halos 2 million metric tons ng asukal ang ma-aani ngayong 2023 hanggang 2024.

Base sa pre-milling estimate ng ahensya, posibleng umabot sa 1.84 million metric tons ang local sugar harvest, mas mataas ng 2.7% kumpara sa 1.79 million MT noong nakaraang taon.

Ayon kay SRA Administrator at Chief Executive Pablo Luis Azcona, karagdagang 50,000 MT ng raw sugar output ang inaasahan, kung hindi gaano katindi ang pagtama ng El Niño, na una nang tinaya ng mga ekperto.

Sakali mang lumala ang sitwasyon ng naturang phenomenon, posibleng bumaba ng 10% hanggang 15% ang output ng asukal.

Gayunpaman, patuloy na ia-assess ng sra ang projected output upang manatiling on track. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author