Ang Antioxidant na ito ay nakapagpapababa ng risk ng pagkakaroon ng chronic diseases, panlaban sa high blood pressure, nakapagpa-iiwas sa pag-atake ng gout, at nagpabubuti ng kalusugan ng ating puso.
Subalit, alam niyo ba na ang kakulangan sa bitaminang ito o Vitamin C deficiency ay mayroong masamang epekto sa ating katawan?
Kabilang dito ang mabagal na paggaling ng mga sugat, gum disease na sinasamahan ng pagdudugo, pagkalagas ng ngipin, pamamaga ng muscles o edeme, pabago-bagong mood, paninilaw ng balat, at depression.
Bagaman napalalakas ng Vitamin C ang immune system ng isang tao, maaari itong magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan, lalo na kung labis-labis ang pag-inom nito.
Ibinabala ni Dr. Sonny villanueva, isang eksperto sa occupational medicine na ang sobrang pag-inom ng Vitamin C ay pwedeng maging sanhi ng kidney stones, payo ni Villanueva, 500 milligrams ang karaniwang sukat ng bitamina na dapat inumin ng isang tao at maaaring 1,000 mg kapag may sakit.
Dapat ding magkaroon ng healthy diet upang mapanatili ang malusog at masiglang katawan. —sa panulat ni Airiam Sancho