Asahan ng mga customers ng Meralco ang mas mataas na bill, kasabay ng pag-anunsyo ng power distributor na magdaragdag sila ng singil sa kuryente ngayong buwan.
Sa advisory, sinabi ng Meralco na tataas ng P0.50 per kilowatt-hour ang kanilang power rate ngayong Setyembre, dahilan para umakyat sa P11.3997 per kilowatt hour ang overall power rate mula sa P10.8991 noong Agosto.
Ang taas-singil ay nangangahulugan na madaragdagan ng nasa P100 ang total bill ng mga customer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour.
Iniugnay ng power utility ang dagdag-singil sa mas mataas na generation charge bunsod ng tumaas na presyo ng kuryente mula sa power supply agreements at independent power producers. —sa panulat ni Lea Soriano