dzme1530.ph

Estado ng health sector sa bansa, walang improvement!

Nananatiling “flat” mula sa low middle income ang estado ng health sector sa Pilipinas.

Ito ang inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa budget briefing ng kagawaran.

Bagaman naabot na aniya ng bansa ang middle income country economic status at posible pang umakyat sa high middle income country sa taong 2024, ay “steady” pa rin ang status ng ating health sector.

Ayon kay Herbosa, kailangan pang palakasin ng bansa ang mga programang pangkalusugan upang makamit ang target na mapabilang sa pinakamalusog na bansa sa Asya sa 2040.

Para sa Kalihim, kumpara sa mga bansa na kalapit sa ASEAN, nauungusan na tayo ng Thailand, Vietnam, at Indonesia matapos mapababa ng mga ito ang kanilang “infant mortality” maging ang “maternal mortality”.

Dahil dito, inihayag ni Herbosa na mahalagang magpursige pa ang Pilipinas para mapantanyan ng maayos at magandang lagay ng kalusugan ang maunlad nating ekonomiya. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author