dzme1530.ph

Ilang rice traders sa Soccksargen at BARMM, suportado ang E.O. 39

Malaking tulong ang Executive Order 39 o ang paglalagay ng price ceiling sa regular at well-milled rice sa bansa.

Ito ang inihayag ng ilang rice trader mula sa Soccskargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Bai Sandra Upam, isang rice stall owner, magsisilbing short term measure ang naturang batas upang maiwasan ang “skyrocketing price” o ang tumataas na presyo ng ating pangunahing pagkain.

Wake-up call din aniya para kay Tahir Sandik, isa ring rice vendor, ang P1-M penalty sa mga mahuhuling lalabag sa EO 39.

Una na rito, inanunsyo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na bumuo ang lokal na pamahalaan ng “Local Price Watch Team” para i-monitor kung sumusunod nga ba ang rice traders sa naturang Executive Order. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author