dzme1530.ph

P20 kada kilo ng bigas, inihalintulad ni dating Pang. Duterte sa “daydreaming”

Inihalintulad ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa “daydreaming” o pangangarap ng gising ang P20 na kada kilo ng bigas, dahil sa Law of Supply and Demand sa World Market.

Sa pagtaya ng dating Pangulo, posibleng tumaas pa ng hanggang P90 ang kada kilo ng bigas.

Binigyang diin ni Duterte na kailangang tanggapin ng mga Pilipino ang katotohanan na walang paraan para maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas, na masyado aniyang mababa at hindi makatotohanan, lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng merkado.

Idinagdag nito na dapat ay handa ang gobyerno na malugi ng P3-B para bumili ng mahal na bigas at ibenta ito ng mura sa mga tao upang maiwasan ang posibleng paghihimagsik bilang resulta ng krisis sa pagkain. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author