dzme1530.ph

Dating Pang. Duterte, iginiit na non-negotiable ang teritoryo ng Pilipinas

Nagpahayag din ng kanyang pagtutol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 10-dash-line map ng China na sumasakop sa halos kabuuan ng South China Sea.

Sa isang panayam sa dating pangulo, binigyang diin nito na bagaman kaibigan niya si Chinese President Xi Jinping at wala na siya sa gobyerno, mananatili aniyang non-negotiable ang teritoryo ng Pilipinas.

Idinagdag ni Ginoong Duterte na dapat ipagtanggol at igiit ng pamahalaan ang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang pilipinas, sa ilalim ng nakalipas na Duterte Administration ay nag-adopt ng independent foreign policy na pinaniniwalaan ng marami na pabor sa China. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author