Inihayag ng Dep’t of Trade and Industry na inihahanda na ng gobyerno ang assistance program para sa mga retailer na maaapektuhan ng mandated price ceiling sa bigas.
Ito ay sa harap ng posibleng pagkalugi ng mga retailer na nabili ang kanilang suplay ng bigas sa mas mataas na presyo.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Agaton Uvero, pinag-uusapan na ang pagbibigay ng subsidiya sa pangunguna ng DTI, katuwang ang Dep’t of Agriculture, Dep’t of the Interior and Local Gov’t, at mga lokal na pamahalaan.
Una nang hinimok ng DTI ang mga retailer na i-sakripisyo muna ang mawawalang kita dahil hindi naman umano nila ito ikalulugi. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News