dzme1530.ph

DTI, hinimok ng ang mga retailer na mag-sakripisyo muna sa harap ng mandated price ceiling sa bigas!

Hinimok ng Dep’t of Trade and Industry ang mga retailer na mag-sakripisyo muna sa harap ng mandated price ceiling sa bigas na itinakda ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ayon kay Trade Asec. Agaton Uvero, batay sa kanilang computation ay hindi naman malulugi ang mga nagtitinda kung ibebenta nila ang bigas sa mas mababang presyo, ngunit mawawalan umano sila ng kita.

Kaugnay dito, sinabi ng DTI official na hinihingi ng gobyerno ang sakripisyo at tulong ng mga retailer.

Matatandaang sa inilabas na Executive Order no. 39., itinakda sa P41 ang mandated price ceiling sa kada kilo ng regular milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author