dzme1530.ph

Mandated price ceiling sa bigas, nilinaw na sa Martes pa magiging epektibo!

Nilinaw ng Malacañang na sa Martes, Setyembre 5, pa magiging epektibo ang itinakdang mandated price ceiling sa bigas sa ilalim ng Executive Order no. 39.

Ayon sa Office of the Executive Secretary, magiging epektibo ang price cap sa oras na mailathala ito sa national newspapers.

Samantala, sinabi rin ng OES na ang anumang katanungan o reklamo kaugnay ng price ceiling sa bigas ay maaaring itawag sa 8888 citizens’ complaint center.

Matatandaang sa ilalim ng nasabing EO, itinakda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa P41 ang mandated price ceiling sa kada kilo ng regular milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author