dzme1530.ph

State of Calamity, idineklara sa Oton, Iloilo dahil sa danyos ng bagyong Goring

Isinailalim sa State of Calamity ang Oton, Iloilo matapos aprubahan ng Sangguniang Bayan ang isang resolusyon sa isinagawang special session kahapon, September 1.

Dahil ito sa matinding epekto ng walang tigil na pag-ulang dala ng Habagat, na pinalalakas ng nagdaang bagyong Goring at Hanna.

Sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi ni Officer Malvin Nad na mahigit 28,000 na pamilya ang apektado ng pagbaha sa lugar.

Napinsala rin ang 277 na ektarya ng lupa na may 243 na magsasaka, kung saan umabot na sa mahigit P3-M ang halaga ng pinsala at posible pang madagdagan dahil sa patuloy na damage assessment.

Nasa 6 na bahay naman ang nasira o totally damaged, at 49 ang partially damaged. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author