dzme1530.ph

Halos P8-M na halaga ng sigarilyo at isang sasakyan, naharang ng BOC sa General Santos City

Aabot sa halos P8-M na halaga ng sigarilyo at isang sasakyan ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa muling isinagawang operasyon sa Sub-port of General Santos City.

Sa report ng BOC, 14,950 reams ng cannon menthol na sigarilyo at isang (1) unit ng ISUZU truck wing closed van na tinatayang nagkakahalaga ng P7,825,000.00 ang nasakote sa operasyon sa Brgy.  New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato.

Ang mga nakumpiskang produkto ay itinurn-over sa BOC-Port of GenSan para sa safekeeping pending seizure at forfeiture proceedings.

Samantala, inirekomenda ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) para sa mga nasamsam na produkto.

Inihahanda na ang paghahain ng kaso laban sa mga hindi pinangalanang may-ari ng mga kontrabando. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author