Itinurnover na ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ang kapalit ng mga National ID (Phil-IDs) na naapektuhan ng sunog sa Manila Central Post Office.
Sa statement, sinabi ng PSA na kabuuang 7,352 PhilIDs ang idiniliver ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang printing partner ng psa para sa National ID, sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ang turnover ay isinagawa sa presensya ng mga opisyal at tauhan mula sa PSA, BSP, at PHLPOST.
Una nang tiniyak ng psa na ang mga naapektuhang Phil-IDs sa sunog noong nakaraang Mayo ay para lamang sa mga nagparehistrong indibidwal na nakatira sa Maynila. —sa panulat ni Lea Soriano