May mga gawaing itinuturing na brain exercise para mas tumalas pa ang ating pag-iisip.
Una rito ang pag-toothbrush gamit ang iyong non-dominant hand.
Sa paliwanag, nag re-resulta ito sa upang mapabilis at mapalaki ang cortex, na kumokontrol at nagpo-proseso ng impormasyong mula sa kamay.
Ikalawa, ang pagligo ng nakapikit, dahil malalaman ng iyong kamay ang nahahawakan mo sa iyong katawan nang hindi mo nakikita at na nagbibigay ng mensahe sa iyong utak.
Sunod ang paglanghap ng hindi karaniwang amoy gaya ng vanilla, citrus o peppermint na nagbibigay alerto sa mga bagong neural pathways.
At ang huli ay ang pag-interact sa ibang tao, napag-alaman sa isang scientific research na ang social deprivation o pag-iwas sa pakikisalamuha sa ibang tao ay may negatibong epekto sa ating utak o memorya. —sa panulat ni Airiam Sancho