dzme1530.ph

DICT, nagpaliwanang sa nagpapatuloy na text scams

Pinagpapaliwanag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa reklamo ng milyun-milyong nakapagparehistro na ng SIM card na hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng text scams.

Dahil dito, binigyang linaw ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), isang attached agency ng DICT na posibleng ito ay mula sa mga organisadong sindikato na bumibili ng mga pre-registered na SIM card.

Maaari rin aniya na kagagawan ito ng mga bagong text blaster machine na dumating sa bansa na may kakayahang gayahin ang mga numero ng SIM card.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na idinulog na nila ito sa mga Telcos at DICT para kaagad matugunan ang mga naturang isyu.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Bureau of Customs upang mapigilan ang pag-iimport ng naturang makina.

Nabatid na sa pinakahuling datos ng National Telecommunications Commission, halos 118 million subscribers na ang nakapagparehistro ng kani-kanilang SIM cards. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author