dzme1530.ph

China, pinakakalma ang mga bansang saklaw ng 10-dash line

Pinakakalma ng China ang mga bansa at teritoryo na sakop ng inilabas nilang 2023 standard map.

Ayon kay China Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin, iwasan ng mga bansang saklaw ng ’10-dash line’ ang mag-over interpret ng issue dahil “routine practice” lang umano ng China ang naturang mapa na umaangkin sa bahagi ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Vietnam, Brunei, Taiwan at India.

Aniya, isa lamang itong “Exercise of sovereignty in accordance with law” ng Beijing.

Muli ring iginiit ng opisyal na may legal na basehan ang China sa pag-angkin nito sa South China Sea.

Nabatid na umalma ang mga bansang Malaysia, India at Pilipinas sa inilabas na bagong linya ng China na malinaw aniyang paglabag sa kani-kanilang territorial claims at exclusive economic zones base na rin sa probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author