dzme1530.ph

DepEd, inaprubahan ang konstruksyon ng 7K silid-aralan sa mga lugar na matinding tinamaan ng kalamidad

7,000 silid-aralan ang itatayo sa mga lugar na matinding tinatamaan ng mga kalamidad.

Ito ang inihayag ni Dept. of Education Asec. at deputy spokesman Francis Bringas makaraang aprubahan ng ahensya ang konstruksyon nito.

Ayon kay Bringas, kabilang sa priority list ng DepEd ang pagbuo ng mga classroom sa disaster-hit areas, at mga silid-aralan na may shifting schedules sa harap ng layunin na makapagtayo ng standard classrooms sa lahat ng lugar sa bansa.

Aniya, kasama rito ang Bulacan dahil sa matinding pagbaha na nararanasan sa kasalukuyan, subalit ito ay napapa-ilalim sa kategoryang “Rehabilitation and Repair” na labas sa P10 billion fund.

Paglilinaw ni Bringas na sakop lamang ng pondo para sa basic education facilities ang gabaldon buildings, last mile schools, major repairs, at mga bagong konstruksyon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author