Patay ang halos 50 katao matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng sundalo at ilang grupo ng religious sector sa Eastern Democratic Republic of the Congo.
Kwento ng DR Congolese Soldiers, pinipigilan lamang nila ang naturang grupo sa pagsasagawa ng kilos-protesta laban sa United Nations Peacekeepers sa lungsod ng Goma, ngunit naunang naging marahas ang mga ito kaya nauwi sa gulo.
Nabatid na sa kumpirmasyon ng security officals, 48 katao ang napatay kabilang ang ilang sundalo sa insidente habang 75 naman ang sugatan.
Bukod dito, aabot sa halos 170 ang inaresto ng security forces kasama ang ilang lider ng Christian -Animist Sector matapos mahulihan ng armas.
Samantala, iginiit ng State Human Rights Watch, base na rin sa mga kumalat na video clips, unang nagpakawala ng bala ang DRC forces sa mga raliyista na anila’y malinaw na paggamit ng “unlawful lethal force”, kaya nararapat lamang na imbestigahang maigi ang insidente. —sa panulat ni Jam Tarrayo