dzme1530.ph

Habagat, palalakasin ng bagyong Hanna!

Napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna ang taglay nitong lakas habang nananatili sa Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 870 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyong Hanna patungong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Bagama’t walang direktang epekto sa bansa ang bagyo, inaasahang palalakasin pa rin nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.

Sinabi pa ng PAGASA na pinakanaaapektuhan ng habagat ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Metro Manila.

About The Author