Ni-raid at inaresto ng Nigerian police ang halos 70 katao na dumalo sa isang gay wedding sa Delta State, Southern City ng Warri.
Ayon kay Delta Police Spokesman Edafe Bright, isang male cross-dresser ang nag-tip sa kanila na may nagaganap na isang gay wedding sa lugar kaya kaagad na in-assemble ng kanilang hanay ang raid team upang arestuhin ang mga ito.
Kabilang sa mga nadakip ang nasa 67 babae at lalaki dahil sa kanilang pakikiisa sa naturang same-sex wedding ceremony.
Matatandaan na batay sa Anti-Gay Law na naipasa noong 2014 sa Africa, maaaring makulong ng hanggang 14-taon ang mahuhuling mayroong same-sex relationship, miyembro ng gay rights group at ang mga sasailalim at makikiisa sa gay marriage. —sa panulat ni Jam Tarrayo