Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nag-eenroll sa mga pampublikong paaralan para sa school year 2023-2024 kahit nagsimula na ang klase noong Aug. 29.
Batay sa pinakahuling datos Learner Information System Quick Count ng Dept. of Education, umabot na sa 24, 324,111 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro.
Pinakamarami ang CALABARZON na may mahigit 3.6 million, sinundan ng Central Luzon na may halos 3 millon, at National Capital Region na may mahigit 2.5 million registered students.
Ini-ulat din ng DEPED na tumaas ang bilang ng mga nag-e-enroll para sa Alternative Learning System (ALS) na may 208,587.
Ang ALS ay ang sistema ng edukasyon para sa mga taong nais magsimula o ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-aaral sa kabila ng kanilang edad. —sa panulat ni Airiam Sancho