dzme1530.ph

#WalangPasok: Class suspensions for Aug. 31

Kanselado ang klase sa ilang paaralan sa bansa ngayong araw, Aug. 31, bunsod ng masamang panahon.

Kabilang sa mga lokal na pamahalaan na nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Las Piñas, Mandaluyong, Marikina, Maynila, Muntinlupa, Parañaque Pasay, Pasig, Pateros, Rizal, San Juan, Taguig, Quezon City; gayundin ang lalawigan ng Abra, Ilocos Norte; Vigan City Sa Ilocos Sur; Aparri at Buguey sa Cagayan, at Bacolod City na walang pasok hanggang bukas, Sept. 1.

Wala ding klase, public at private, sa pre-school hanggang senior high school sa Baguio City at Tuba, Benguet.

Nabatid na wala pang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA sa kahit saang lugar sa bansa ngunit asahan anilang patuloy na magdadala ng malakas na ulan ang bagyong Hanna na nasa Extreme Northern Luzon, bagyong Goring na nasa labas ng teritoryo ng bansa, umiiral na habagat at localized thunderstoms. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author