Hindi matataaasan ang Honoraria ng mga guro matapos halos masaid ang pondo ng Commission on Election (COMELEC) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 2023.
Ayon sa COMELEC, 2.7 billion lang raw ang idinagdag na kahilingan ng ahensya.
Posible naman itong ma-adjust hanggang 3 billion kung sakaling umabot sa 1.5 million ang mga botante.
Dagdag pa ni Chairperson George Garcia, dahil sa kakulangan ng budget ay minarapat nalang na i-fix ang kanilang matatanggap sa ₱6,000 sa Electoral Board Chairman, ₱5,000 sa mga members nito, at ang ibang Precinct Workers ay ₱4,000.
Samantala, ayon sa COMELEC Chief naghahanap na sila ng paraan upang matulungan ang mga guro sa manual na pagbibilang at umaasa parin sa pagdagdag ng honoraria.