Tinaya ng United States Department of Agriculture (USDA) na posibleng umabot sa $24 billion ang e-commerce sales sa Pilipinas pagsapit ng 2025.
Inihayag din ng USDA sa kanilang Philippine market brief, na ang overall e-commerce sales sa bansa ay inaasahang lalago sa compound annual growth rate na 9%.
Binigyang diin ng ahensya na ang cross-border online sales ng mga pagkain at inumin ay lumobo pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Idinagdag ng USDA na ang pandemic ang nag-udyok sa mga Pilipino na humanap ng paraan para makabili ng imported goods nang direkta.
Nakasaad din sa report na kalahati ng mahigit 70-M online users sa bansa ang tumatangkilik sa cross-border e-commerce. —sa panulat ni Lea Soriano