dzme1530.ph

Isang indibidwal, napa-ulat na nawawala, halos 200K, apektado ng bagyong Goring —NDRRMC

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang indibidwal na nawawala dahil sa bagyong Goring.

Batay sa situational report ng ahensya kaninang alas-8 ng umaga, nagmula sa Western Visayas ang napa-ulat na nawawala kung saan ito ay patuloy na bine-verify.

Kaugnay nito, sumampa na sa 56,410 families o katumbas ng 196,926 individuals ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng kalamidad mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region.

Nasa 48,997 naman ang mga inilikas kung saan 35,095 dito ang nasa evacuation centers at 13,902 ang pansamantalang naninirahan sa ibang lugar.

Nakapag-ulat din ang NDRRMC ng 134 na bahay na napinsala; 54 na kalasada at 28 na tulay na hindi madaanan; at 44 na lungsod at bayan na nakaranas ng pagka-antala sa suplay ng kuryente.

Samantala, nananatili sa 41-M ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author