dzme1530.ph

5K non-teaching positions sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, inaprubahan ng DBM

Inaprubahan ng Dept. of Budget and Management (DBM) ang 5,000 non-teaching positions sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na makatutulong ito upang mabawasan ang administrative works ng mga guro.

Sa nasabing bilang ng non-teaching positions, 3, 500 posisyon ang bakante para sa Administrative Officer II, na tutugon sa mga administratibong gawain.

1,500 naman para sa Project Development Officer I, na siyang susuporta sa implementasyon ng iba’t ibang programa, proyekto, at aktibidad sa mga paaralan.

Una nang hinimok ng Teachers Dignity Coalition at Alliance of Concerned Teachers ang Dept. of Education na bumuo ng malinaw at tiyak na plano para mabawasan ang naturang trabaho ng mga public school teacher.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pangangampanya na ang pagbawas sa workload ng mga guro ay makatutulong upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga papmpublikong paaralan at upang ma-protektahan ang kanilang mental health. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author