Hindi epektibo para tumigil sa paninigarilyo ang paglipat sa electronic smoking devices mula sa traditional cigarettes.
Ito ang binigyang-diin ni Dr. Ma. Encarnita Limpin, Exec. Dir. ng Action on Smoking and Health Philippines, na ang paggamit ng vape ay hindi paraan upang tuluyan nang tumigil sa paninigarilyo, bagkus posible pa rin itong ka-adikan ng mga smoker.
Sa datos mula sa Global Youth Tobacco Survey noong 2021, ipinapakita na mahigit 4% ng mga indibidwal na edad 13 hanggang 15 ang nasubukan nang gumamit ng vape.
Habang ipino-promote ng tobacco companies ang “smoke-free” cigarettes, iginiit ni limpin na mapanganib ang paggamit ng vape at e-cigarettes dahil mayroon pa rin itong nicotine at iba pang kemikal na hindi nakabubuti sa baga.
Pina-alalahanan naman ni Limpin ang mga health advocates na patuloy na magsagawa ng raising awareness laban sa banta ng paninigarilyo sa kalusugan. —sa panulat ni Airiam Sancho