Napakabigat para sa mga mahihirap na pamilya ang P3,500 na buwanang bayad para sa pabahay ng pamahalaan.
Ito ang iginiit ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa imbestigasyon ng House Committee on Appropriations sa P5.4 billion na 2024 proposed budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon kay Castro, hindi maituturing na pabahay para sa mga mahihirap ang ipinanukala ng DHSUD na P1.4 million na halaga ng housing unit.
Ipinaalala ng mambabatas na P610 lamang ang arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila na aniya’y kulang pa sa kanilang pang-araw araw na gastusin. —sa panulat ni Jam Tarrayo