dzme1530.ph

Pinaka-unang mango export ng Pilipinas sa Australia, sisimulan sa Setyembre

Sisimulan na ng Pilipinas ang pag-eexport ng mangga sa Australia sa unang linggo ng Setyembre ngayong taon.

Ito ang inihayag ng trade platform na carabao mangoes.australia, na inaprubahan ng Dept. Agriculture, Fisheries and Forestry(DAFF) ang pagpapadala ng fresh mango fruit sa nasabing bansa.

Sinabi naman ni DAFF Assistant Sec. David Ironside na sa approval letter ay inaasahan ng Australia na makatanggap ng mataas na kalidad ng mangga mula sa Pilipinas.

Napag-alaman na ang Philippine Trade and Investment Center sa Sydney ay nakipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry – National Plant Quarantine Services Division ng Dept. of Agriculture para sa delivery ng naturang produkto. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author