Inanunsyo si House Speaker Martin Romualdez na mamadaliin nila ang pagpasa sa Pro-Digitalization Measures na binigyang diin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
Ayon kay Rep. Romualdez, desidido ang mababang kapulungan na ipasa ang Priority Legislations ni President Marcos Jr., kabilang na ang mga panukala para sa Digitalization sa parehong Government at Private Transactions na magpapalakas sa efficiency, productivity, at security.
Dagdag pa niya, ang establishment ng framework para sa Digital Transformation ay makakatulong umano na ma-enhance ang pagiging prospect ng Pilipinas bilang Investment Hub, na matagumpay umanong nagampanan ng Pangulo sa Davos, Switzerland.
Ang E-Government at E-Governance Act, ay kabilang sa mga prioridad na binanggit ng Punong Ehekutibo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).