Nakumpleto na ng Commission on Elections ang pag-iimprenta ng mga karagdagang opisyal na balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Rey Dulay, na in-charge sa halalan sa Oktubre 30, ang nasabing mga balota ay nakalaan sa mga bagong botante na nakarehistro simula December 2022 hanggang January 2023.
Dagdag niya, ang mga karagdagang balota ay inimprenta para rin sa mga lugar na nagkasa ng plebisito, kabilang ang Carmona, Cavite at Baliwag, Bulacan, paglikha ng mga probinsya sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, at ang 10 barangay na inilipat sa Taguig City.
Samantala, aabot sa 91,049,089 ang kabuuuang bilang ng mga opisyal na balota para sa Barangay at SK Election. —sa panulat ni Airiam Sancho