dzme1530.ph

Kakulangan ng silid-aralan sa bansa, aabot sa halos 160K —DepEd

Aabot sa halos 160,000 ang shortage ng mga classroom, ayon sa Dept. of Education.

Ito ang inihayag ni DepEd Assistant Sec. Francis Bringas kasabay ng pagtiyak na tinutugunan na ito ng ahensya sa pamamagitan ng implementasyon ng institutionalized blended learning.

Kabilang sa alternative modes of teaching na gagamitin ang modified in-school at off-school approaches at digital and distance learning modalities, kasama ang digital and printed materials.

Ayon pa kay Bringas, ipatutupad din ang shifting classes, lalo na sa mga paaralan na may malaking populasyon ng mga estudyante.

Ngayong araw, umarangkada na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, para sa school year 2023-2024. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author