Inaasahan na ng Commission on Elections ang “intense” Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na magiging mainit ang labanan dahil sa napakahabang termino ng nakaraang Barangay at SK Officials, at maging ang ilang beses na pagka-antala ng halalan.
Ayon pa kay Garcia, nakadepende rin ang bigat ng posibleng tensyon sa kung sino ang tatakbo para sa i-specific na pwesto.
Tandaan din aniya na mahigit 600,000 posisyon ang dapat punan dahil ito ay Barangay at SK Election, at inaasahan na higit pa sa dalawang milyong indibidwal ang maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy.
Kahapon, Aug. 28 o unang araw ng paghahain ng COC, isang barangay official sa Albay ang pinaslang, ilang oras matapos maghain ng kaniyang kandidatura kung saan patuloy ang imbestigasyon ng mga orotidad kaugnay sa pamamaril. —sa panulat ni Airiam Sancho