dzme1530.ph

Inflation rate, posibleng tumaas sa 5% ngayong Agosto

Tinataya na bahagyang lolobo sa 5% ngayong Agosto mula sa 4.7% noong Hulyo ang inflation rate sa bansa.

Ito ang sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort dahil sa pagtaas ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado at epekto ng mga nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Ricafort, ang net increase sa fuel prices simula noong Hulyo ay maaaring magdulot ng pagsirit sa presyo ng iba pang bilihin at serbisyo, at magresulta sa paglobo ng overall inflation ngayong Agosto.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang inflation sa 4.7% noong Hulyo mula sa 5.4% noong Hunyo, dahil sa mababang singil sa tubig, kuryente, pabahay, at iba pa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author