Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaayos na nila ang repatriation sa mga Pilipinong biktima ng Illegal Trafficking sa Southeast Asia.
Ayon kay Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, batid nilang maraming Pinoy pinadala sa mga karatig na bansa na kalaunan ay napasok sa illegal operations tulad ng Online Scamming.
Dahil ito ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na otoridad sa Cambodia, Laos at Myanmar para mapauwi ang naturang mga Pinoy.
Muli namang nanawagan ang DFA sa mga Pinoy na maging vigilant at tiyaking dumaan sa tamang proseso para sa pangingibang bansa.