Mahigit 22 milyong mag-aaral sa elementarya at high school ang inaasahang magbabalik-eskwela ngayong Martes, sa pagbubukas ng School Year 2023-2024, batay sa enrollment figures ng Department of Education.
Sa datos ng DepEd, as of 2 p.m. kahapon, umabot na sa 22,676,964 students ang nag-enroll sa public at private kindergarten, elementary at high schools sa buong bansa para sa kasalukuyang academic year.
Inihayag naman ni DepEd Spokesperson Michael Poa na tumatanggap ang mga paaralan ng late enrollees.
Unang sinabi ng kagawaran na inaasahan nilang aabot sa 28.8 million ang mag-e-enroll ngayong school year, bahagyang mas mataas kumpara sa 28.4 million na nag-enroll sa public at private schools noong nakaraang academic year. —sa panulat ni Lea Soriano