dzme1530.ph

2 bagyo inaasahang sabay magpapaulan sa ilang lugar sa bansa ngayong linggo

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang bagyo na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong may international name na Haikui sa layong 1,885 kilometro silangan ng northern Luzon.

Tatawagin itong bagyong Hanna sakaling makapasok sa PAR.

Habang napanatili naman ng bagyong Goring ang lakas nito na huling namataan sa layong 220 kilometro silangan Aparri, Cagayan.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no.3 sa

-northeastern portion of Babuyan Islands

Signal no.2 naman sa:

-Batanes

-nalalabing bahagi ng Babuyan Islands

-extreme northeastern portion ng mainland Cagayan at

Signal no.1 sa

-northern and eastern portions ng mainland Cagayan

-silangang bahagi ng Isabela

-hilagang bahagi ng Apayao at Ilocos Norte

Dahil sa patuloy na pag-iral ng bagyo, asahan na ang malalakas na hangin at ulan sa Batanes.

Sa Huwebes, inaasahang lumabas na ng PAR ang bagyong Goring at posible namang pumasok ng bansa ang bagyong Hanna na lalabas Biyernes ng gabi.

About The Author