Umakyat ng halos one third ang gross borrowings ng national government sa P1.42 trillion simula Enero hanggang Hunyo.
Sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), lumobo ng 32.9% ang inutang ng pamahalaan sa unang anim na buwan ng 2023 mula sa P1.07 trillion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang gross domestic debt ay tumaas ng 42.5% sa P1.06 trillion sa unang semester mula sa P741.263 billion kumpara sa kaparehong panahon ng 2022.
Samantala, ang external borrowings ay umakyat din ng 11.3% sa P366.441 billion mula sa P329.336 billion.