Sumampa na sa halos 8,000 ang bilang ng mga apektadong indibidwal bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng bagyong Goring.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-8 ng umaga, kabuuang 2,302 families o katumbas ng 7,919 individuals ang naapektuhan ng masamang panahon mula sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 6.
Inilikas naman ang 2,307 na indibidwal kung saan 1,948 dito ang nasa evacuation centers at 359 ang pansamantalang nanirahan sa ibang lugar o sa kaanak.
Samantala, pumalo na sa P40-M ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura. –sa panulat ni Airiam Sancho