Nagpadala na ang Dep’t of Social Welfare and Development ng 100,000 kahon ng family food packs para sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong “Goring”.
Ayon sa DSWD, sakay ng mga truck ay ini-release ng National Resource Operations Center ang kahon-kahong food packs sa Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region.
Ito ay magsisilbing karagdagan sa stockpile ng kanilang field offices.
Kaugnay dito, sinimulan na ang pamamahagi ng food packs sa mga pamilyang lumikas sa evacuation center sa Isabela.
Ipinamahagi na rin ang food at non-food items sa mga apektado ng pagbaha sa Apayao. –ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News