Patuloy na lumalakas ang bagyong Goring habang nasa ibabaw ng karagatan sa silangang bahagi ng Babuyan Islands.
Batay sa latest update ng PAGASA kaninang alas-5 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 185 kilometro sa silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Goring pa timog-kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Nasa ilalim naman ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 ang extreme northeastern portion ng mainland Cagayan at extreme northeastern portion ng Isabela.
Signal no. 1 naman sa Batanes, Babuyan Islands, eastern portion ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, at northern portion ng Aurora.
Samantala, inaasahan na lalo pang lalakas ang bagyong Goring at magiging Super Typhoon sa Lunes, Aug. 28. –sa panulat ni Airiam Sancho