Posibleng dagdagan at gamitan ng mas malalaking barko ang susunod na resupply missions sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sinabi ni PCG Spokesman for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na patuloy silang magiging mapagbantay, sa kabila nang matagumpay na resupply sa BRP Sierra Madre noong Martes.
Nananatili namang hamon para sa Pilipinas ang pag-transport ng construction materials upang ma-repair ang navy ship sa Ayungin Shoal.
Una nang iginiit ng China na dapat alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin, kasabay ng pagbabanta na haharangin nito ang pagba-biyahe ng anumang malalaking construction materials patungo sa nakasadsad na barko. —sa panulat ni Lea Soriano