dzme1530.ph

Cagayan Gov. Mamba, pinalaya ng Kamara mula sa detention

Pinalaya ng House Committee on Public Accounts, at Suffrage and Electoral Reforms si Cagayan Governor Manuel Mamba, mula sa detention, kagabi.

Ito’y makaraang mag-isyu ng Temporary Restraining Order ang Supreme Court laban sa desisyon ng dalawang nabanggit na komite na i-cite in contempt ang gobernador.

Sa impormasyon mula kay House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas, ipinag-utos ang pagpapalaya kay Mamba, pasado alas-9 kagabi, kasunod ng motion ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa special meeting ng house committees.

Gayunman, mananatili aniya ang Order of Contempt ng mga komite at otomatik lamang itong babawiin kapag natanggap na nila ang kopya ng withdrawal ng tro na inihain ni mamba sa SC.

Na-cite in contempt si Mamba bunsod ng paulit-ulit na hindi pagdalo sa pagdinig kaunay ng umano’y illegal expenditures ng local government noong 2022 campaign period. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author