dzme1530.ph

3 Chinese National sangkot sa krimen, inaresto ng Immigration 

Inaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese National na pinaghahanap ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa mga krimen sa ekonomiya.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga pugante na naaresto sa Barangay Tambo sa Paranaque City na si Cheung Wa, 56 taon gulang at pinaghahanap ng Public Security Bureau ng Fuding City sa pagkakasangkot sa mga krimeng may kaugnayan sa ekonomiya.

Sinasabing nagtatag siya ng ilang kumpanya ng pamBuumuhunan na nanloko ng higit sa 100 biktima sa pagkukunwari ng isang kumpanya ng real estate na nangangako ng mataas na rate ng interes. Ang scam ay nagkakahalaga sa mga nabiktima nito ng higit sa 40 Million RMB o humigit-kumulang 326.5 Milyon Pesos.

Inaresto rin sa parehong petsa sina Chau Mut Hing, 63 taon gulang at Zhang Yi, 50 taon gulang Ang dalawa ay nakatira sa isang establisyimento sa New Seaside Drive, Parañaque City.3 Chinese National sangkot sa krimen, inaresto ng Immigration.

Ibinahagi ni BI FSU Chief Rendell Ryan Sy na ang tatlong pugante ay agad na inilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig kung saan sila ay mananatiling nakakulong habang hinihintay ang kanilang deportasyon.

About The Author