dzme1530.ph

Alamin ang epekto ng pagpipigil ng ihi!

Ang pantog ay maaari lamang mag-ipon ng hanggang dalawang tasa ng ihi, subalit hindi ibig sabihin na dapat itong hintaying mapuno bago magtungo sa banyo.

Ayon sa mga eksperto, mas makabubuti na agad umihi sa sandaling makaramdam na naiihi, dahil ang pagpipigil o pagpapaliban nito ay may hindi magandang dulot sa katawan.

Kabilang dito ang pagsakit ng puson at pelvic pain.

Nagkakaroon din ng hindi mapigilang paglabas ng ihi o incontinence kung madalas na pinipigilan ang pag-ihi, dahil posibleng nagkaroon ng pinsala sa pelvic floor muscles bunsod ng nabanat na pantog.

Para sa mga kababaihan, posibleng makakuha ng urinary tract infection (UTI) kapag matagal na na-ipon ang ihi sa pantog dahil sa pagdami o multiply ng bacteria.

Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto na iwasan ang pagpipigil ng ihi upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng kalusugan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author