dzme1530.ph

Rice inventory, bumagsak ng 17.5% noong Mayo

Bumagsak ang imbentaryo ng bigas ng 17.5% noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sinabi ng PSA na ang rice inventory sa naturang panahon ay 1.88 million metric tons, na nasa households, commercial warehouses at National Food Authority (NFA).

Ang mga bigas sa households na nasa 52.8% ay bumaba ng 19.9% o  sa  993.93 thousand metric tons kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon; habang ang mga nasa commercial warehouses ay  787.97 thousand metric tons na mas mababa rin ng 10.6%

Samantala, ang commercial stocks naman ay kumatawan sa 41.9% ng national inventory. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author